Tignan mo ang blankong papel na ito
amuyin mo ang putok ng tinta
at tikman mo ang pait ng diwa
sipsipin mo ang putang inang ito
baka sakaling maintindihan mo
ang dahilan, ang sakit, ang lungkot
ulol na ulol ang iyong damdamin
ramdam mo na walang laman
lagi ka na lang bang ganyan?
alam mo namang wala na
at alam mo ding lipas na
lagi na lang bang puso?
repapips, meron ka pang natitira
ubod pa nga ng dami, siksik liglig pa
at wag mong hayaang maubos 'to
babalik sa dami ang dating naubos na
sako-sako, balu-balungkos
ang isang ito ay hindi na, parang bula
at dito malalaman mo, ito ay mahalaga...
Tignan mo ang blankong isipan mo!
No comments:
Post a Comment