Thursday, October 16, 2008

Tabularasa

Tignan mo ang blankong papel na ito
amuyin mo ang putok ng tinta
at tikman mo ang pait ng diwa
sipsipin mo ang putang inang ito
baka sakaling maintindihan mo
ang dahilan, ang sakit, ang lungkot
ulol na ulol ang iyong damdamin
ramdam mo na walang laman
lagi ka na lang bang ganyan?
alam mo namang wala na
at alam mo ding lipas na
lagi na lang bang puso?
repapips, meron ka pang natitira
ubod pa nga ng dami, siksik liglig pa
at wag mong hayaang maubos 'to
babalik sa dami ang dating naubos na
sako-sako, balu-balungkos
ang isang ito ay hindi na, parang bula
at dito malalaman mo, ito ay mahalaga...
Tignan mo ang blankong isipan mo!

Wednesday, October 15, 2008

Lumipad Ka

Sige lumipad ka
iaangat mo ang iyong mga paa
at iwagayway mo ang iyong mga pakpak

Sige lipad na
hayaan mo lang dumaloy ang hangin sa ilalim ng iyong
katawan

Hayaan mo lang kusa kang liparin
kung saan ka man madako
hayaan mong doo'y mapadpad din

Sige lumipad ka, lumipad ka!
iwanan mo ang makamundong lupa na ito
iwanan mo ang makalupang mundo

Lipad na, ngayon na...